Martes, Pebrero 14, 2012

ISYUNG MORAL-laganap na !!

      Marami na ang isyung moral na nangyayari sa Pilipinas nandyan ang mga occult,cult , superstitions ,suicide ,abortion ,euthanasia ,genetic engineering, mutilation,massacre,terrorism, graft and corruption ,prostitution, white slavery, pre-marital at extramarital sex,homosexuality,slavery,pagsira sa kalikasan at marami pang iba. 
   
 Una,ano nga ba ang isyung moral. .  .Heto ang aking nasaliksik.
      -ito ay negatibo.
      -humahamon sa katatagan ng kabutihan.
      -mga bagay o gawaing lumalabag sa 10 utos ng diyos.
      -usaping panlipunan at nagaganap sa kasalukuyan.

*TEENAGE PREGNANCY*
 -pagbubuntis ng isang babae na wala pa sa tamang gulang (hal.14-16 yrs. old).

*PROSTITUSYON*
-isang uri ng human trafficking na makabagong paraan ng pang-aalipin.
-tinuturin ring pananamantala sa hindi pagkakapareho ng estado sa buhay,isang lehitimong trabaho o   krimen.

*HOMESEXUALITY*
-ito ay pagkakaroon ng interes o atraksyon sa kaparehong kasarian.(sexual relationship with same sex)

*PREMARITAL SEX*
-pagtatalik ng dalawang magkasalungat na kasarian na hidi man lang sumasailalim sa isang sagradong ritwal(kasal).

* EXTRAMARITAL SEX*
-isyung moral na tumatalakay sa pagkakaroon ng relasyon o damdamin ng mga taong nasasakluban ng sakramento ng kasal sa kanilang kapwa o taong salungat sa kanyang kasalungat na kasarian.

*SLAVERY*
-ang pang aalipin ay isang uri ng sapilitang paggawa.

*DRUG ADDICTION*
-sobrang paggamit ng kahit anong uri ng gamot na walang pahintulot ng doktor.

*KULTO*
-ibang pananampalataya,imahe,organisasyon at batas.

*PIRACY*
-pangongopya,pagbebenta ng intellectual properties ng walang paalam.

     Nalaman niyo na ang iba't-ibang uri ng isyung moral,ngayon may balak pa kayong gawin ang mga bagay na masasama.Pero sabi nga may free will tayo pero sana ay ayusin o tamain natin ang pagpili ng mga bagay na ating gagawin.

K-12:pag-asa o pahirap???

  
   Kung ako ang tatanungin dapat marami tayong "side" na dapat makita.Makakatulong ba talaga ito o hindi ?Pero para sa akin PAYAG ako dito sa K12 kasi alam kong maraming magagandang maidudulot ito,naniniwala ako na ito ay PAG-ASA sa pagunlad ng karunungan ng mamamayang Pilipino at ayon sa aking nalalaman ang mga ituturo sa K12 ay mga vocational courses,ang ibig sabihin nito pwede ka ng hindi mag-college,pwede ka  nang magtrabaho agad at mas matipid pa.
     In the other hand,maraming tutol sa K12,ang mga hinaing nila ay"pagod na raw mag-aral ang mga estudyante,marami pa daw pag-aaralan at marami pang gastos",yan ang kanilang araw.
     Nakakainis ang mga taong hindi magkaisa sa pagdedisisyon ,hindi naman siguro masama ang naidudulot ng "pamahalaan" sa atin.Nakakainis sila hindi nila nakikita ang "good side" ng Kto12 puro "bad side" lang ang nakikita nila.
     Sana ang mga tao ay maliwanagan na para sa atin ang K12 na ito ay isandaang porsyentong makakatulong sa atin para sa pag-asa ng buhay,sagot sa kahirapan at hindi pahirap sa buhay at salot sa lipunan kaya't sana'y maintindihan nila itong mabuti.
     Marami na ang DI-SUMANGAYON sa bagay na ito pero sa puso at isipan ko ay sang-ayon ako dito at mananatiling nasa panig nito  dahil naniniwala akong magbabago rin at talagang ito ang magpapabago sa  sistema ng ating lipunan at pamahalaan. . .